Arkibyo ng Blog

Young Master Cousin


This is a rant post, if you’re not up for it, might as well not read this.

kthnxbai.

NAKAKAINIS. NAKAKAINIS. NAKAKAINIS tong pinsan namin.

Bakit?

Makikigamit sya ng laptop, sasabihin makiki-research, etcetera, etcetera. Magre-research siya for 5 minutes or so, tapos makikita na lang naming nagdo-DotA lang siya. Oo na, ako na ang masama, pero kung wala kang PC at gusto niyong mag-DotA, magpunta ka sa internet shop, okay?! I just can’t take it anymore! Kung wala kang pambayad sa internet shop, tanggapin mo na lang sa sarili mo that DotA is a luxury you can’t afford! This may sound mean, even rude, but srsly, if you are in our position, almost everyday ba naman na may makiki-agaw sa laptop mo/niyo e hindi ka mabi-biwisit?! Try mo mga 4- times a week, minsan pa straight buong week, andito siya.

Sa mga nakakakilala sa kanya, sabihin niyo nang matapobre ako at masama ugali ko pero I hate the fact that you’re abusing what’s left of my kindness. Isa na nga lang ang laptop sa bahay for the meantime dahil nasira yung laptop ko, kaya share pa kami dun sa laptop ng sister ko. And that shared time is still being taken away by YOU?! What the hell man, NOT COOL!

Ganito ka-over ang pagi-invade niya sa privacy namin…

Minsan, isang hapon kami ay natutulog ni sister, pumasok siya sa bahay at GINISING si sister dahil makiki-download siya ng… let’s say… Chuvachuhu Movie na kelangan nila sa school. I DON’T BUY IT! After 5 minutes or so, as usual, nagdo-DotA na naman siya dahil hindi naman pala mahanap yung Chuvachuchu Movie. Damn hardcore! Pwede bang letsugas na yan. Nang-istorbo ka na nga ng tulog ng ibang tao na pagod sa school, makiki-DotA ka lang pala. Oh yeah, ROCK ‘n ROLL. Ulit lang, GINISING niya ang sister ko. Isa pa, GINISING NIYA ANG SISTER KO para mag-DotA!

Gusto ko na nga i-delete yung DotA para wala na siyang dahilan. Pero ayoko nga kasi nagdo-DotA ako, bakit ba?! DotAngnang yan. And besides kahit di siya  maka-DotA, kung anu-ano lang nilalaro niya sa net, ok fine, bored siya, but deal with it! Matulog ka sa bahay niyo, o kaya mag-tumbling ka.

Aside from that, he’s SPENDING A LOT OF TIME SA KWARTO namin (take note, kwarto = private space, ayt?), na kapag may gumagamit ng laptop ay papanuorin niya lang ang ginagawa mo sa laptop to the point na super awkward na dahil hindi discreet ang panunuod niya sa ginagawa mo sa net. He’s in your face, as in mga 5 inches from your cheeks para manuod sayo. Kahit pa nagbabasa ka lang ng tweets, nagre-reblog, o kaya nagu-update ng status sa FB. What the fucking hell?!? E pano kung gusto kong manuod ng porn? Tapos sabay kami manunuod, ganon?!

Pag hindi pa siya makagamit ng laptop at wala pang nanunuod ng tv, manunuod siya hanggang gabing-gabi (iba ang gabing-gabi sa province, yung mga 10pm niyang pag-uwi, madaling araw na yun dito sa probinsya) yung tipong nakahiga na kami ni sister at matutulog na kami di pa kami maka-pwesto ng maayos dahil andun siya sa paanan namin, pero di pa rin siya titigil. Tapos pag tipong mahuhulog ka na sa pagtulog mo at malapit ng tumulo ang laway mo, saka ka niya gigisingin kasi uuwi na siya at kelangan mo ng i-lock ang bahay para sa pag-uwi ni Young Master Cousin. What the ef?! May TV naman sila, wala nga lang cable pero pag ganun naman, WAG NANG CHOOSY!!!

Oo na, masama na naman ugali ko, pero try niyo kasing ma-invade ng ganun ka-insensitive at inconsiderate na tao. Kung di ka mairita, aawardan kita. Bonggang-bongga.

Kung mabasa man to ng mga kapatid niya. I don’t really care. I almost tagged you anyway. I have a message for you. If you feel awful for him, and you think I’m the meanest person in the world, go ahead. BUY YOUR BROTHER A FUCKING COMPUTER! So he won’t have to bother us all the time, and I won’t have to say these horrible things. Deal? Nice. Shake hands.

At this moment, nasa kwarto na naman siya. Gumagawa ng slideshow ang sister ko sa lapag ng kwarto habang siya ay NAKAHILATA sa kama (as in!) nanunuod ng tv, kahit na sinabi ko na mag-aaral ako sa kwarto, pero lumipat na lang ako sa sala, dahil nanunuod na siya ng tv at di ko mapigilan si Young Master Cousin.

Meegahd! Ako pa ang napatalsik sa kwarto. KWARTO! KWARTO! PRIVATE SPACE! DotAngnang yan! Ako, medyo mabait lang. Buti sa net lang ako nag-snap. Ayoko sa real world, dahil madidiwara ang mga tao at magugulo ang Brgy. Burgos. Fine? Fine. Fuck you.